top of page

21 Bagay na Dapat mong Malaman Tungkol sa EDSA Decongestion Masterplan

Anna Mae Yu Lamentillo

Originally published in Night Owl: A Nationbuilder's Manual (Edisyong Filipino)


Noong ako ay dumalo sa Leaders in Development program ng Harvard Kennedy School, pinasulat kami ng aming propesor ng isang bagay na nais naming makamit sa susunod na sampung taon. Nag-isip ako saglit at ang aking isinulat ay – “Ang makamit ng Pilipinas ang buo nitong potensiyal.”


Noong 1960s, pangalawa ang Pilipinas sa pinakamataas na Income Per Capita sa Asya, kasunod lang ng Japan. Makalipas ang isang dekada, nalagpasan tayo ng South Korea dahil sa pagpapatupad ng Economic Development Plan, kung saan nabuo ng gobyerno at ng pampublikong sektor ang halos 40% ng kabuuang domestic investment noong 1963 hanggang 1979 sa pamamagitan ng mga proyektong pang-imprastraktura tulad ng mga highway, pasilidad sa pantalan, at mga tulay.


NLEX Connector

Bago nagsimula ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang average infrastructure spending ng nakaraang dekada ay nasa 2.5% lamang ng GDP ng bansa. Naiulat ng IMF noong 2015 na mas mababa ang public investment ng Pilipinas kumpara sa ibang mga miyembro ng ASEAN.


Batid naming lahat na ang programang Build, Build, Build ay hindi lamang kinakailangan kundi matagal na dapat nasimulan.


Kung nais makamit ng Pilipinas ang buong potensyal nito, dapat ay makagawa ito ng paraan para mabawasan ang pagkalugi sanhi ng trapiko sa Metro Manila, na umakyat na sa P3.5 bilyon kada araw. Sa puntong ito ay ipinakita ni Sec. Mark Villar ang plano para paluwagin ang 90-taong-gulang na EDSA, isang 23.8-kilometrong circumferential highway na matagal nang lumagpas sa maximum nitong kapasidad na 288,000 lamang na sasakyan sa isang araw.


Kaunti lamang ang naniwala na kaya itong maisagawa. Isang kritiko ang nagsabi, “Ambisyosa. Nasobrahan yata ang tama sa utak.” Maikli ang aking sagot, “Ang ating mga lider ay dapat lamang maging ambisyoso sa mga plano, pasiya, at aksiyon. Matagal na itong nararapat sa mga Pilipino. Kung nabigo kami, ang aming reputasyon ang nakasalalay.”


Pantaleon Estrella Bridge

Apat na taon ang nakalipas – sa pagtatapos ng iba’t ibang mga malalaking proyekto sa Metro Manila, kabilang ang Skyway Stage 3, NLEX Harbor Link, Radial Road 10 Spur Link, at ang Laguna Lake Highway, ang pangakong maibalik ang EDSA sa dati nitong kalagayan noong 1930 ay abot-kamay na.


Ang EDSA Decongestion Program FACT SHEET
  1. Ang Metro Manila ay isa sa mga lungsod na may pinakamalaking populasyon. Mayroon itong higit na 42,000 katao kada kilometro kuwadrado. Walang expansion ang EDSA mula noong 1960s at 39 porsyento na itong lagpas sa kapasidad.


  2. Ang EDSA Decongestion Program ay binubuo ng 25 proyekto, kabilang ang 14 na expressway na sumasaklaw sa 121 kilometro at 11 tulay na may 9.3 kilometro.


  3. Ang mainline ng 18.83-kilometrong Skyway Stage 3 ay nabuksan na sa publiko kasabay ang 10 na mga rampa: Buendia (northbound on-ramp at southbound off-ramp), Osmena-Quirino (northbound off-ramp), Plaza Dilao (southbound on-ramp), Quezon Avenue (northbound off-ramp at southbound off-ramp), Talayan-Quezon Avenue (northbound on-ramp at southbound off-ramp), and NLEX (northbound off-ramp at southbound on-ramp).


  4. Ang Skyway Stage 3 ay hindi nakompleto gamit ang orihinal na pagkakahanay nito na naaprubahan noong 2014. Dahil sa problema sa right-of-way, kinailangan itong isunod sa alignment ng San Juan River. Ito ay inaprubahan sa ilalim ng Memorandum of Agreement na nilagdaan noong October 25, 2018. Bago ito, ang site possession para sa proyekto ay nasa 8.64% lang.


  5. Sa Memorandum of Agreement na nilagdaan ng San Miguel Corporation kasama ang estrakturang mag-uugnay sa Metro Manila Skyway Stage 3 at NLEX-SLEX Connector. Ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng bansa na ang mga expressway na pinamamahalaan ng magkaibang concessionaire—sa kasong ito, San Miguel Corporation at Metro Pacific—ay magkakaugnay.


  6. Sampung mga rampa ng Skyway Stage 3 ang itinatayo: Quirino (northbound on-ramp), Plaza Dilao (southbound off- ramp), United Nations (southbound off-ramp), Nagtahan (northbound off- ramp at on-ramp), Araneta (northbound on-ramp, southbound off-ramp), at C3 (northbound off-ramp, at southbound on-ramp at off-ramp).


  7. Ang NLEX Harbor Link Segment 10, ang 5.58-kilometrong expressway na nag-uugnay sa MacArthur Highway at C3 Road, ay mag-uugnay rin sa Skyway Stage 3 gamit ang NLEX-SLEX Connector Road, ang 8-kilometrong expressway na nag-uugnay sa dulo ng Segment 10 sa C3 Road, Caloocan hanggang sa PUP Sta Mesa, Manila.


  8. Ang 2.6-kilometrong NLEX Harbor Link C3-Radial Road 10 Spur Link n amula C3 Road sa Caloocan hanggang Radial Road 10 sa Maynila ay unang proyektong natapos alinsunod sa bagong COVID-19 protocol. Dahil dito, ang dating dalawang oras na byahe mula Quezon City papuntang Maynila ay 20 minuto na lang.


  9. Ang NLEX-SLEX Connector ay gumagamit ng Super T Technology na makakapagpabilis sa konstruksiyon ng halos isang taon. Ang unang 5-kilometro na bahagi mula C3 Road papuntang Espana ay inaasahang matapos ngayong taon.


  10. Ang pagpapalawak ng Harbor Link Segment 10 sa R-10 sa Maynila ay kasunod sa pagtatapos ng 4.75 kilometro na pagpapalawak sa Radial Road 10, na proyektong umabot sa pitong presidente dahil sa mga problema sa right-of-way.


  11. Ang NLEX Harbor Link Segment 8.2 ay isang 8.3-kilometrong, four-lane dividend expressway mula Segment 8.1 sa Mindanao Avenue hanggang Commonwealth Avenue.


  12. Ang Alabang-Sucat Skyway Extension ay madaragdag ng dalawang bagong lane mula sa Sucat Main Toll Plaza hanggang sa Susana Heights. Ito ay nasa 47% na at matatapos ngayong taon.


  13. Ang unang segment ng 7.7-kilometrong C5-South Link Expressway Project mula Merville papuntang C5 o SLEX ay nakompleto noong July 2019. Ito ay mag-uugnay sa Radial Road 1, Sucat Interchange, at E. Rodriguez.


  14. Ang Southeast Metro Manila Expressway ay isang 32.644-kilometrong toll road expressway mula Taguig hanggang Batasan Complex sa Quezon City. Dahil dito, ang isang oras at 50 minutong byahe mula Bicutan papuntang Batasan ay magiging 26 minuto na lang.


  15. Ang 6.94-kilometrong Laguna Lake Highway ay ang unang toll-free expressway sa Metro Manila na may hiwalay na bicycle lane. Napabilis nito ang oras ng byahe mula Taytay, Rizal papuntang Bicutan. Ang dating isang oras ay 30 minuto na lang.


  16. Kasama ang pagpapalawak ng 3.3-kilometrong Nichols Field Road sa proyektong Fort Bonifacio-Nichols Field Road (Lawton Avenue). Ito ay nakumpleto noong 2021.


  17. Dahil sa Mindanao Avenue Extension, isang 3.2-kilometrong highway, ang dating 1.5 oras na pagbiyahe mula Quirino Highway papuntang General Luis Avenue ay magiging 20 minuto na lang.


  18. Ang pagpapalawak ng 1.086-kilometrong Samar Street ay nakompleto noong Disyembre 2018.


  19. Ang 680-metrong Binondo- Intramuros Bridge, na mag-uugnay sa Intramuros at Binondo sa pamamagitan ng isang viaduct, ay gagawing pedestrian-friendly.


  20. Ang BGC-Ortigas Link Bridge, kilala rin bilang Kalayaan Bridge, ay mag-uugnay sa mga lungsod ng Taguig, Makati, at Pasig. Ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng central business district ng BGC at Ortigas ay 12 minuto na lang.


  21. Ang 506-metrong Estrella- Pantaleon Bridge ay mag-uugnay sa Estrella Street sa Makati at Barangka Drive sa Mandaluyong sa loob ng 10 minuto.

Anna Mae "Anime" Yu Lamentillo Logo
bottom of page