top of page
Anna Mae "Anime" Yu Lamentillo Logo

Sa 6.5 Milyong Kasapi ng Build, Build, Build Team

Anna Mae Yu Lamentillo

Originally published in Night Owl: A Nationbuilder's Manual (Edisyong Filipino)


Ang Build, Build, Build ay naging target ng mga fake news, troll, at kritiko. Sinubukan nilang ibahin ang kahulugan nito — at sa kanilang malakas at kapani-paniwalang boses — iulat ito bilang katotohanan. Hindi ko alam kung nalilito ba sila o sadyang tuso lang.


Marami ang susubok na siraan ang mga natapos ng 6.5 milyong manggagawang Pilipino. Sasabihin nila na hindi sapat ang natapos natin, na maraming mga bagay na maaari pa nating dapat nagawa, o na hindi talaga tayo nagtrabaho.


Skyway Stage 3

Kung binabasa mo ito at bahagi ka ng Build, Build, Build Team, ako na mismo ang magsasabi sayo—kung wala ka, hindi tayo makagagawa ng 29,264 kilometrong kalsada, 5,950 na mga tulay, 11,340 na mga estrukturang pang-iwas ng baha, 222 evacuation centers, 150,149 na mga silid-aralan, 214 na mga paliparan, at 451 na mga daungan. Ang Pilipinas ay nasa mas magandang katayuan ngayon dahil sa inyong husay, trabaho, at sakripisyo.


Kung hindi dahil sa tulong ninyo sa pagtatayo ng Pigalo Bridge, ang mga magsasaka sa Isabela na gustong dalhin ang kanilang mga produktong pang-agrikultura sa Maynila o Tuguegarao, ay kailangan pang tahakin ang 76-kilometrong Alicia-Angadanan-San Guillermo-Naguilian Road. Ngayon, naaabot na ng mga magsasaka ang parehong pamilihan sa loob lamang ng sampung minuto.


Kung hindi dahil sa inyong mga sakripisyo sa paggawa ng Central Luzon Link Freeway, ang oras ng paglalakbay mula Nueva Ecija at Tarlac ay 70 minuto pa rin. Ngayon, ang dalawang lalawigan ay konektado na sa loob lamang ng 20 minuto.


Kung hindi dahil sa lakas ng loob ninyong tapusin ang Marawi Transcentral Road, mahihirapan pa rin ang mga residente ng Marawi na maabot ang mga pangunahing serbisyo at makabili ng mga produkto. Kayo ang nagbigay-daan para sa kapayapaan.


Kung hindi dahil sa inyong husay, imposibleng maitayo ang Cebu-Cordova Link Bridge, ang pinakamahabang tulay ng Pilipinas. Ipinakita ninyo sa mga Pilipino sa buong bansa na ang pangarap na pag-ugnayin ang Luzon, Visayas, at Mindanao sa pamamagitan ng mga tulay ay abot-kamay natin kung tayo ay magtutulungan.


Subic Freeport Expressway (SFEX)

Kung hindi dahil sa inyong pagsusumikap, hindi natin natapos ang pagtatayo ng Skyway Stage 3, ng NLEX Harbor Link, ng C5 Southlink, ng Kalayaan Bridge, ng Radial Road 10, at marami pang iba. Kayo ang dahilan kung bakit tayo ay mas malapit sa pagkamit ng EDSA Decongestion Program — isang master plan na naglalayong paluwagin ang 90-taong gulang na circumferential highway. Kayo ang dahilan kung bakit mas kaunting oras na ang ginugugol ng mga Pilipino sa kalsada, at mas maraming oras sa kanilang pamilya.


Ang huling limang taon ay isang kilusan ng sambayanang Pilipinong nagnanais ng pagbabago at kumilos para maisakatuparan ito. Mataas ang ating pangarap para sa ating bansa.


Marami nang lungsod, kalsada, tren, riles, at paliparan ang naitayo ng mga OFWs sa iba’t ibang parte ng mundo. Ang pandemya ay nagbigay sa atin ng pinakamahuhusay na mga kaakibat sa ating layunin. Ang Build, Build, Build ay nagbigay ng pagkakataon sa mga OFW na maglingkod sa kanilang bansa. Bagama't hindi namin kayang pantayan ang mga suweldo na kanilang natatanggap sa ibang bansa, marami ang nanatili upang matiyak na magagamit ng mga Pilipino ang imprastraktura na sa mga larawan lamang nila nakikita noon.


Tayo ay nasa tamang landas. Ang Pilipinas ay maaaring maging isang trillion-dollar economy. Inilatag na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga batayan para maging posible ito. Nasa atin na kung paano natin ito ipagpapatuloy.


Ang tamang tao sa misyon

Noong unang araw ng aming panunungkulan, nag-usap kami ni Build, Build, Build Czar Mark Villar — “Ano ang magagawa natin para maging mas maganda ang katayuan ng Pilipinas?”


Simple lang ang sagot niya—mga daan patungo sa pinakaliblib na lugar upang ang mga bata ay makapag-aral nang hindi nalalagay sa panganib ang kanilang buhay; mga tulay na mag-uugnay sa mga magsasaka at mangingisda sa mga pamilihan; at imprastrakturang magbubukas ng mga oportunidad sa kanayunan at magbibigay-daan sa mga Pilipinong mangarap at maghangad ng mas magandang kinabukasan.


Ano ang Build, Build, Build? Ito ay isang rebolusyon ng mga Pilipinong nagnanais na mag-iwan ng mas magandang Pilipinas para sa mga susunod na henerasyon.

Anna Mae "Anime" Yu Lamentillo Logo

Join our mailing list

Be a Night Owl Insider and Stay Informed About the Journey. Subscribe today!

By clicking Subscribe, I agree to allow Night Owl to use the information I provide to keep me updated on Night Owl updates via email.

Thanks for subscribing!

Content Preview

Night Owl logo

Night Owl: The Nationbuilder's Manual

  • Facebook
  • TikTok
  • Instagram
  • YouTube
  • Facebook
  • Amazon Music
  • Amazon Author
  • Spotify
  • Soundcloud
  • Apple Music
  • Apple Podcast
  • Tidal

© 2017-2024 Night Owl by Anna Mae Yu Lamentillo

Distributed by Manila Bulletin Publishing and Little Ninja, Inc.

bottom of page