Sofa sa Kanal
Anna Mae Yu Lamentillo
Originally published in Night Owl: A Nationbuilder's Manual (Edisyong Filipino)
Sa 171 na bansang nasuri sa 2016 World Risk Report, ang Pilipinas ay pumangatlo sa pinakalantad sa mga natural na panganib. Ayon sa PAGASA, ang Pilipinas ay binibisita ng hindi bababa sa 20 tropical cyclones kada taon. Noong Agosto 2018, ang malakas na pag-ulan na dulot ng bagyong Karding ay humantong sa paglikas ng hindi bababa sa 50,000 indibidwal matapos tumaas ang tubig sa Marikina River ng 20.6 metro (kumpara sa 23 metro noong bagyong Ondoy). Noong nagsagawa kami ng clean-up operations, nagulat ako nang makita ang lahat ng uri ng basura, mula sa sofa hanggang sa mga refrigerator sa loob ng mga mga drainage canal — mga humahadlang sa natural na daloy ng tubig.
Sa flood risk assessment study ng World Bank para sa buong Metro Manila and Surrounding Basin Area, ang pagbaha ay pangunahing naiugnay sa tatlong salik: (1) ang malaking bulto ng discharge ng tubig na nagmumula sa kabundukan ng Sierra Madre na dumadaloy pababa, (2) mga hadlang sa kapasidad ng drainage sa pangunahing lugar ng Metro Manila, at (3) ang heavily silted na Laguna Lake.
Ang master plan na binubuo ng 11 structural mitigation measures na may tinantyang gastos na humigit-kumulang ₱351 bilyon ay nagmumungkahing bawasan ang peak discharge of inflow na katumbas ng 3,600 m/s sa ilalim ng 100-year return period ng humigit-kumulang 75 porsyento sa pamamagitan ng pagtatayo ng dam sa upstream portion ng Upper Marikina River, at pagtatayo ng mga estrukturang pang-iwas ng baha sa mga priority critical sections ng Pasig-Marikina River.
Noong Mayo 2018, natapos ng DPWH ang Phase III ng Pasig-Marikina River Channel Improvement Project (PMRCIP), na sumasaklaw mula sa Lower Marikina River Improvement (Napindan Channel hanggang sa ibaba ng Manggahan Floodway) hanggang Delpan Bridge. Ang mga revetment, parapet wall, dike embankment, sluice structures, at bridge foundation protection ay ginawa at inilagay sa mga priority critical sections ng Pasig-Marikina River.
Ang mga civil works para sa Phase IV ay kasalukuyang nagpapatuloy at tumutugon sa pag-agos pababa ng Mangahan Floodway hanggang Marikina Bridge. Kasama rin dito ang pagtatayo ng Marikina Control Gate Structure na naglalayong bawasan ng 7.5 porsyento ang pagbaha.
Maliban dito, pinagtibay ni DPWH Secretary Mark Villar ang Integrated Water Resources Management Program, na kokompleto at mag-a- update ng flood control at drainage master plans at feasibility studies ng 18 major river basins (drainage area na higit sa 1,400 kilometro kwadrado), 421 principal river basin, at iba pang kritikal na river basin.
Nagsimula na rin ang Phase 1 ng Metro Manila Flood Management Project, na kinabibilangan ng modernisasyon ng mga drainage area, pagbabawas ng basura sa mga daluyan ng tubig, at participatory housing at resettlement, bukod sa iba pa.
Natapos na ang Flood Risk Management Project para sa mga ilog ng Cagayan, Tagoloan, at Imus, na inaasahang tutugon sa malubhang pagguho ng mga pampang sa Cagayan, gumawa ng mga river dike at drainage channel sa tabi ng Tagoloan River, at magtayo ng dalawang off-site retarding basin sa kahabaan ng mga ilog ng Imus at Bacoor.
Ang Flood Risk Management Project sa CDO River ay pinoprotektahan na ngayon ang 290 ektarya at humigit-kumulang 18,000 estruktura sa Cagayan de Oro. Batay sa 25-year flood return period, mababawasan din ang bilang ng mga taong apektado ng pagbaha sa lugar mula humigit-kumulang 281,000 ay magiging 31,000 na lamang.
Samantala, mula nang matapos noong 2020 ang Integrated Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation Measures in the Low-Lying Areas of Pampanga Bay, nabawasan ang lalim ng baha mula 1.4-2.9 metro hanggang 0.6-1.4 metro na lamang. Paiikliin din nito ang tagal ng baha, mula sa dating 66 araw ay 17 araw na lang.
Kabilang sa iba pang mga proyekto ang Cavite Industrial Area Flood Management Project, na nagpapagaan sa pinsalang dulot ng pag-apaw ng San Juan River at ng mahinang drainage system ng Maalimango Creek, at ang Leyte Tide Embankment Project, isang 31.28-kilometrong estrukturang pang-iwas ng baha, na magpoprotekta sa 27.30 kilometro kuwadrado ng mga komunidad sa baybayin at 30,800 bahay/gusali mula sa mapanirang epekto ng mga storm surge.
Ang Pangarap na Pagdugtungin ang Luzon, Visayas, at Mindanao
Noong ako ay nasa elementarya pa lamang, ang tatay ko na si Manuel Lamentillo ay nagkukuwento sa akin tungkol sa San Juanico Bridge, isang 2.16-kilometrong tulay na nagdudugtong sa mga islang lalawigan ng Samar at Leyte. Sa tuwing uuwi kami sa Iloilo, madalas akong nagtataka kung bakit kailangan naming sumakay ng mga bangka o eroplano upang magpunta sa Negros Occidental. Wala pang maraming tulay noong panahong iyon. Ang Candaba viaduct, ang limang kilometrong tulay na nag-uugnay sa mga lalawigan ng Pampanga at Bulacan, ay ang pinakamahabang tulay sa Pilipinas at ito ay itinayo noong 1976, mahigit apat na dekada na ang nakararaan.
Magbabago na ito dahil sa Mega Bridge Project ng Administrasyong Duterte, isang serye ng mga maiikli at mahahabang tulay na magdudugtong sa mga islang lalawigan upang tuluyang pag-ugnayin ang Luzon, Visayas, at Mindanao sa pamamagitan ng paglalakbay sa lupa.
Ayon kay Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar, ang Panguil Bay Bridge, isang 3.7-kilometrong tulay na nag-uugnay sa Tangub City sa Misamis Occidental at Tubod sa Lanao del Norte, ay nagsimula na. Kapag at Tubod, ang dating 2.5 oras ay magiging 10 minuto lamang. Paiikliin din nito ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng Ozamiz City sa Misamis Occidental at Mukas, Kolambugan sa Lanao Del Norte mula sa dating 2.5 oras (gamit ang RORO operations) ay magiging 20 minuto na lamang.
Ang Detailed Engineering Design ng Guicam Bridge sa Zamboanga Sibugay, at tatlong tulay sa Tawi-Tawi — Nalil-Sikkiat Bridge, Tongsinah-Paniongan Bridge, at Malassa- Lupa Pula Bridge — ay kasama rin sa Improving Growth Corridors in Mindanao Road Sector Project (IGCMRSP). Nagsimula na ang mga civil works para dito.
Ang paghahanda ng Feasibility Study and Detailed Design ng mga high-impact project na ito, tulad ng 22-kilometrong Bohol-Leyte Bridge, ang 5.5-kilometrong Negros-Cebu Bridge, ang 24.5-kilometrong Cebu-Bohol Bridge, ang 18.2-kilometrong Luzon (Sorsogon)-Samar Bridge, ang 3.98-kilometrong Davao-Samal Bridge, at ang 32-kilometrong Bataan-Cavite Inter-Link Bridge, ay isinasagawa na sa ilalim ng Infrastructure Preparation and Innovation Facility (IPIF) na pinondohan ng ADB.
(1) ang Bohol-Leyte Link Bridge, isang 22-kilometrong tulay na layong paikliin ang paglalakbay sa pagitan ng mga lalawigan ng Bohol at Leyte sa loob ng 40 minuto na lamang;
(2) ang Negros-Cebu Link Bridge, isang 5.5-kilometrong tulay na magdurugtong sa Negros at Cebu sa loob ng 10 minuto;
(3) ang Cebu-Bohol Link Bridge, isang 24.5-kilometrong tulay na magpapabilis sa oras ng paglalakbay ng 70 posyento mula sa nakagawiang dalawang oras at sampung minuto, magiging 30 minuto na lamang;
(4) ang Luzon Sorsogon-Samar Link Bridge, isang 18.2-kilometrong tulay na mag-uugnay sa isla ng Samar sa Silangang Visayas sa pangunahing isla ng Allen-Matnog;
(5) ang Samal Island-Davao City Connector Bridge, isang 3.98-kilometrong tulay na durugtong sa Samal Circumferential Road sa Davao City; at
(6) ang Bataan-Cavite Interlink Bridge, isang 32-kilometrong inter-island bridge na mag-uugnay sa Mariveles, Bataan sa Corregidor at sa Naic, Cavite.
Gayundin, ang pre-feasibility study at ang feasibility study para sa Panay-Guimaras- Negros (PGN) Island Bridge Project ay natapos na sa ilalim ng China financing.
Mula nang maupo si Pangulong Duterte noong Hunyo 2016, natapos na ng DPWH ang 5,950 tulay, 738 dito ay lokal.